7 deadly sins

ang pitong nakamamatay na kasalanan…katakawan (gluttony), kagarapalan (greed), lungkot-lungkutan (sloth), pagiging high blood (wrath), inggitero (envy), kayabangan (pride) at libog (lust). pinipilit kong intindihin kung bakit ikamamatay ng tao ang mga kasalanan ito. naisip-isip ako ng mga sitwasyon na maaring isa sa pitong ito ang ikapahamak-slash-ikamatay ng mga tao.

gluttony – oo nga naman; pag pinairal mo ang katakawan mo lalo na pag gabi, maari mo nga ikamatay ito dahil mababangongot ka. pero parang ok lng, at least d k namatay ng dilat dahil sa gutom.

kagarapalan – sure ito; dahil sa pagiging gahaman o garapal, marami ang namamatay. halimbawa. dahil sa gahaman mo sa perang ipinanalo mo sa sugal, sinaksak ka ng ka-tongits mo sa tagiliran, shet ka kase! panalo k na nga ng singkwenta ayaw mo manlang manlibre ng pisbol!

sloth (depression, despair) – self destruction naman ang drama ng kasalanang ito. isipin mo, nglulungkot-lungkutan ka, ngpakaEMO, ngpakamatay. ayos lang yan, para mabawasan ang madrama sa mundo, tama nako sa teleserye.

wrath (anger) – posible rin makamatay ito. isipin mo, nkikipagaway ka at sukdulan na ang galit mo, namumula na ang tenga mo, pinagpapawisan kna ng butil-butil, sige ka parin ng sige sa kakatalak. nakalimutan mo, tinira mo pala ang inihaw na baboy kaninang tanghali. ayan tuloy, dead ka.

envy – paano ba nkakamatay ang pagiging ingitero? d ko rin alam, pero ayon nga sa sabi sabi “mamatay ka sa inggit!”. baka un na nga un.

pride – dahil sa sobrang yabang ng dating mo, pinagtripan ka ng mga tambay na ngiinuman sa kanto nyo. binaon nila ang balisong sa leeg mo. deadly nga naman ito. ang angas mo kase!

at last but not the least.

lust – hind ko talaga sure kung pano ka mamamatay ng dahil sa kalibugan. tinignan ko sa internet ang meaning. ito pala ay synanymous sa craving, desire, passion, longing, at pleasure. so pwede palang sabhin nalilibugan ako sa ice cream (im craving for ice cream), nailibugan ako magbasa ng mga libro, (it’s my passion to read books), o kaya nalilibugan ako sau ( i am longing for you). diba? saan banda ang nakamamatay doon? wala naman ako napapansin. ikaw meron ba?

~ by ayreen elque on July 26, 2008.

3 Responses to “7 deadly sins”

  1. i’m longing for you.. (ok kids, translate in tagalog!)

    at imbes na ikamatay ko yan, lalo pa yang bumubuhay sa dugo ko.

    RAWWWRRRRRRRRR!!!!!

  2. yan..yan.. dyan ka magaling! ahahah

  3. parang cra (im longing for you na tuloy)

Leave a Reply