humayo kayo at magpakarami…(sana lang inde OA)

12:18pm (WARNING: MAHABANG POST)

kahapon napanood ko ang reporter’s notebook. tunggkol ito sa patuloy na paglobo ng populasyon ng pilipinas. pakinsyet umaabot na daw sa 91 milyon ang mga pinoy at patuloy pang dumadami. siguro hobby na nating mga pinoy ang magpalitan ng laway at mag-anuhan pag walang magawa, at kung meron man ginagawa, iiwan ang anumang ginagawa para maganuhan parin. mga bastos! malilibog! wala naman masama sa pagiging malibog (basahin dito) pero naman!

kelangan ba talagang mag-anank ng labing pito (17)? sa napanood ko kagabi meron magasawang 16 na ang anak, buntis pa si mother! paguwi ko bibigyan ko sila ng telebisyon, para naman may iba silang pagkaabalahan, naiinis ako dahil naaawa ako sa mga supling nila. do-re-mi-fa-so-la-ti-do….. ang pagkakasunod-sunod. mantakin mong 18 sila ngayon (kasama ang mag asawa, d kasama ang nasa sinapupunan pa lamang) at ngkakasya sila sa 2 maliliit na lata ng tuna at 9 na pirasong tuyo. so, kung hahatiin ng pantay pantay…tigiisang kutsarita sila ng tuna at tag kakalahating tuyo. anak ng kamote! isang lata ng tuna nauubos ko eh! (oo na matakaw na) pero sila ngkakasya sa 9 na tao bawat lata! o diba? d ba sobrang kalibugan kabobohan na iyon? tsk!

may isa pang istorya ang ipinakita sa episode na ito. isa silang grupo ng mgkakaibigang babae. imbes na magpalitan ng kuro kuro tungkol sa project, math, science o kaya barbie, cellphone, at make-up, tungkol sa nalalapit nilang panganganak ang topic. at ang pinakabata sa kanila? 13 years old, 9 na buwang buntis. kung ikakalkulator natin dose palang lumandi na si gaga. nakakayamot na nakakaawa… ang naisip ko, papano siya manganganak? paano nya bubuhayin ang bata? paano nya aalagaan, kung siya mismo ay nangangailangan pa ng pagaalaga at pagaaruga? papaano? maiintindihan ko pa kung ang nakabuntis sa kanya ay apo ng mga lopez o ng zobel, at makakakuha sila ng 15 na yaya na maaring mag-alaga sa kanyang anak at sa kanya narin. pero hindi. isang 18 taong gulang na nangangalakal ng basura ang nakabuntis sa kanya. eskandalo! hindi ko minamaliit ang trabaho nya, dahil alam kong marangal iyon. pero naman! kwento ng pinsan ko 1300 petot daw ang isang lata ng gatas (malaki) ng anak nya sa pilipinas, isang lata = isang linggo, isang buwan = 4 na linggo, so sa isang bwan (teka compute lng..) 5200 petot ang kailangan nya sa isang buwan, gatas palang yun! paano pa ang pampers..o cge lampin nlng, pagkain nila sa araw araw? at kung sa bigas palang mawiwindang kana? paano na sila? diba isang kalibugan kabobohan ang tawag doon?

ngayon, pinagpaplanuhan daw ng gobyerno na gumawa ng batas na lilimitahan ang mag-asawa ng maximum na bilang na pwede nilang pagsikapan buohin habang malamig ang gabi. china style! nglulunsad din sila ng mga seminar ukol sa family planning sa mga batang asa grade 6, high school, matatandang malilibog maiinit ang katawan, atbp. na mariin namang tinututulan ng simbahan.

sabi nila father….

1. hindi raw dapat gumamit ng kontra pagbubuntis ang mga tao tulad ng pills, condoms, ligation, vasectomy, etc. dahil kung mabubuntis ka mabubuntis. ang bata ay regalo ng ating ama sa langit.

2. hindi raw dapat tinuturuan ang kabataan ng family planning lalo na at grade 6 at high school palang sila.

3. hindi rin daw dapat turuan ang magsyota pa lamang ng family planning dahil mgsyota palang sila at hindi pa magasawa.

4. hindi daw dapat isa-batas ang paglilimita ng maaaring magiging anak ng mga magasawa.

marami pa ang sinabi ni father. nalimutan ko na ang iba.

eto naman ang aking opinyon….

father, sinasabi sa bibliya ang simbahan ay hiwalay sa gobyerno at di dapat nagpapakielamanan ang isat-isa. at sa ginagawa ninyong pangkontra sa gobyero (na sinusuportahan nyo rin naman nuong eleksyon) ay nagkakasala po yata kayo.

1. bakit po bawal gumamit ng pangontra? hindi po natin maikakaila na ang tao ay tao lang, nalilibugan din, at sure ako minsan nararamdaman nyo rin po ito. ganun din ang magasawa. paano po kung gusto nila kamutin ang pangangati pero alam nila sa sarili nila na ang kanilang kita ay hindi pa sapat para dagdagan ang lahi nila? hindi po ba pagiging responsable ang pag gamit ng pang-kontra kaysa sa bumuo sila ng bumuo ng dadagdag sa mga tambay, snatchers, adik, at sakit ng ulo ng bansa? swerte nalang kung magiging produktibong nilalang ang mabubuo.

2. para sa akin, dapat ng turuan ang mga bata sa grade 6 at high school. bakit? sa panahon ngayon dumarami na ang mga bata sa age range nila ang buntit, katulad nalang ng naikwento ko kanina. kaya habang maaga, ipaalam sa kanila ang maaring maging epekto ng maagang pag karengkeng. para naman maiwasan, kung d makatiis at makati talaga, kamutin man lang ito with safey gears.

3. para sa akin, dapat rin iseminar ang mga mgsyosyota, dahil tulad ng kabataan, pasaway rin ang mgjojowa ngayon. sex dito, sex duon, sex sa lamesa, kusina, banyo, sex sa koche, sa park, at sakung san san pa. tapos pag nagkasawaan sa playbor, iba naman. minsan, hindi mapigilan ng mgsyota pa lamang na maiparamdam ang init ng pagmamahal nila sa isa’t isa. akala nila palagi…diziz d one! kya sige lang ng sige. tapos sa d inaasang panahon, nag kasawaan. paano pag dumating sila sa puntong ito na nagkamali pala sila ng akala na maliban pala sa kompatibol ang etit ng lalaki sa puday ng babae eh wala na pala silang iba pang chemistry tapos may baby? asan na ang hapily eber apter? mukang wala ng ganon. at mapipilitan pa silang mambabae at manlalake in the future! edi dagdag pa sila ng isang guhit sa survey ng broken family? tsk!

4. bakit po ayaw nyo rin ilimit ang pwedeng maging anak ng mag-asawa? sakin po ok lng ito. dahil kung hindi, baka isang araw magising nalang tayong lahat ng natutulog ng nakatayo…kse wala ng space sa philippines. tulad po sa china, 1 per couple, kaya nalilimitahan ang paglobo ng populasyon nila. pede rin natin gawin ito kahit pansamantala lang, para lang ma-control ang pagdami ng mga future pinoy human race natin. may nabalitaan pa nga ako na may lihim na naglunsad ang isang gobyerno ng isang crowded na bansa ng plano para bawasan ang populasyon, sabi daw lihim daw na nilalason ng mga kasabwat na restawrant ang mga tao unti unti (para siguro di halata), para naman daw mabawas-bawasan ang populasyon. sana di tayo umabot sa ganito. so limitahan nalang ang paggawa kesa pagsira ang pagisipan natin sa hinaharap.

opinyon ko lang ito, ngyon kung iba opinion ninyo, aba’y bahala kayo sa buhay niyo. to fatherand the followers. di ko binabastos si father. tulad ko opinyon nya yan, kinontra lng ng opinyon ko. kaya wag kayo magagalit. alam kong 7 lang ata kayong nagbabasa ng blog ko, 2 lang siguro ang tatapos magbasa ng mahabang entry na ito, pero di ko parin maiiwasan na may maoffend sa mga pag-kontra ko. sori na pare. aylabyu!

13:19 pm

isang oras at isang munuto (61 minutes) ako ngblog (kasama ang mga ngpasaway na istorbo) sabi sa survey 3 per minute ang bilang ng sanggol sa ipinapanganak bawat minuto, so sa pagsulat ko palang nitong entry na ito merong 183 babies na sinilang sa ating bansa. congrats mga mommy….gud luck mga baby!


~ by ayreen elque on August 13, 2008.

5 Responses to “humayo kayo at magpakarami…(sana lang inde OA)”

  1. syet! panalo! aylabit! i love the part where u made a calculation of the total time you spent writing this entry, and the number of babies born while u where busy..

    kaya ko lab yang part na yan kase ang totoo nyan, yung ending lang binasa ko. sorry na :(

  2. tse! aka ko isa kang tunay na kaibigan! d mo naman pala binasa ng buo! bwaahahahha

  3. ang haba lng.
    kaka-aliw.

  4. ahahha..halata bang walang magawa?!

  5. ahaha… yeh ryt…
    its time fro us to wake up…
    open our minds…
    be responsible enough…
    learn to discipline ourselves….
    hows our country now??
    and wat more in the future?
    hay.. HELL!

    STOP being TOO SELFISH!
    think wat might rthe future of ur children
    if we wont stop clean up dis mess…

Leave a Reply