ka-wirdohan

noong bata pa ako akala ko normal ako, pero ngayon napagtanto ko mali ako. bakit kasi ginagawa ko to noon.

* binibilang kung ilang piraso ang laman ng isang supot ng m&ms, pinagsasama-sama ko ang magkakakulay at alam ko ang bilang ng red, blue, green, yellow, brown, at iba pang kulay na nasa m&ms. kabisado ko un. inuuna ko kainin ang brown palaging huli ang grupo ng red. ewan ko kungĀ  bakit.

* madami din akong laruan noong bata ako. katabi ko sila matulog, kumain, at maglaro. oo katabi ko lang sila pag naglalaro ako. kasi di ko sila tinatnggal sa kahon. di tulad ng ibang bata halos buksan na ang kahon kahit di pa bayad, ako…kabaligtaran. gusto ko lang silang naka stock na parang pyramid sa tabi ko. pag tapos ko maglaro ng buhangin at dahon, itatabi ko na sila.

* nangolekta rin ako ng stationary paper. iba-ibang hugis, kulay at disenyo. may scented at di scented. may malaki at makliit. may binibili may binibigay. inipon ko un, ang dami dami. hanggang high school dala dala ko cya, di ko nagamit hanggang maging kulay yellow na ang papel sa kalumaan, nagsawa ako, ngayon di ko na alam kung nasan sila.

* marami din akong musical instruments. una ay organ, ginastosan pako ng lolo ko matuto lang ako magpiano. sabi ng instructor ko i am a fast learner, para akong genius sa music. pero ang catch doon linggo linggo may amnesia ako. ang husay ko sa session na ito, expired na next session. in short, nalimutan ko na ulit…so ulit nanaman. hanggang sa umayaw na ako ng tuluyan. pangalawa ay ang gitara, nagpabili pa ako sa tatay ko, ang mahal lang sa pagkakatanda ko. pero nag ala-brattinela ako hanggang sa makuha ko siya, ang dami ko lang song hits, pero naisip ko…masyadong maliit ang kamay ko, hindi abot ng mga daliri ko ang chords. syempre palusot ko lang yan. sa totoong buhay di lang talaga ako natuto. pangatlo, flute. oo ng flute ako! na inspire ako dahil ang kalolololohan ko ay napagalamang kong professional saxophone player. ang astig lang diba? kaya bilang pasimula, flute muna ako, pero tulad ng dalawang nauna, kabag lang ang inabot ko. ngayon? nagkakasya nalang ako sa pagkanta-kanta……sa banyo.

* pero ang pinaka paborito ko sa lahat ang koleksyon ko ng lapis. mechanical pencil, bensia, at mongol (lahat ng number). hindi lang apat o lima ang pencil cases ko, bukod pa dyan ang mga lapis na nasa kahon pa. pero ang di ko alam sa saltik ng kukote ko, kung bakit nagtitiis ako sa lapis na mas maliit pa sa hinliliit ko. duduguin na ang kamay ko, pero ayoko talagang mabawasan ang bala ng mechanical pensil ko, mapudpod ang bensia ko, o tasahan ang mongol ko. watta creepy wirdo!

ngayon naiisip ko, ugali ko pala talaga ang panghawakan ang kinaugalian, bagay, o kahit ano pa man na natutunan ko ng yakapin. hirap akong bitawan ang mga bagay na natutunan ko ng mahalin…ng tunay.

~ by ayreen elque on November 3, 2008.

3 Responses to “ka-wirdohan”

  1. tagal natin walang post ah..

  2. oo nga eh…wala ako maisip eh. mitch..nakikita ba ung post kong major updates?

  3. oo nakikita ko.

Leave a Reply