roaming

•October 6, 2008 • 2 Comments

matagal ko ng gusto ng roaming na sim card…nyeta! ilang tao narin ang sinabihan ko na dalhan ako ng sim na roaming from pinas…pero wala silang mga kwenta!

1. nagpadala ako sa pinsan ko, nakalimutan.

2. nagpadala ako sa tatay ko, in fairness nagdala..pero di inactivate. expired na siya ngayon.

3. sa kapatid ko sa pinas, para maipadala sa pupunta dito, kamote. wala! d maasahan

4. kay mama, kamusta naman. lahat ng bilin ko dumating maliban sa sim card.

sim card lang hindi ko magawang makamtam!

nung isang araw, nagikot-ikot kame sa manama. nyeta lang! may binebenta pala doon! BD2 lang (Php 240)!! kung alam ko lang, bumili na ako ng direcho, kesa napagod lang ako ng kakabilin wala namang mangyayari..hinayaan ko nalang sana mapanis ang laway ko!

ngayon gamit gamit ko na sya, pero walang silbe kase minsan na nga lang tumunog…announcement pa from the provider! kaya itext nyo naman ako mga hindot! piso piso langĀ  naman! ahahah!! eto ang number ko.

00639214427258

ang magkuripot panget!!!

kung ako ay president…

•August 19, 2008 • 2 Comments

kung ako lang ang presidente, one time big time lang (pramis)…patago kong ililikas ang mga sibilyan sa mindanao at bobombahahin ko ang buong lugar na iyon. as in..buburahin ko sa mapa para maubos na ang mga lichugas na rebelde! bwahahaha! tsaka ko papatabunan ng lupa ang naburang mindanao para muli ay matirahan ng mga tao. ewan ko ba naman kase sa kanila, i bet kahit sila d na nila alam kung bakit sila ngrerebelde, kung meron mang dahilan..weighless! tse!

buti nalang d ako presidente, kundi isa na ako kriminal…syet.

humayo kayo at magpakarami…(sana lang inde OA)

•August 13, 2008 • 5 Comments

12:18pm (WARNING: MAHABANG POST)

kahapon napanood ko ang reporter’s notebook. tunggkol ito sa patuloy na paglobo ng populasyon ng pilipinas. pakinsyet umaabot na daw sa 91 milyon ang mga pinoy at patuloy pang dumadami. siguro hobby na nating mga pinoy ang magpalitan ng laway at mag-anuhan pag walang magawa, at kung meron man ginagawa, iiwan ang anumang ginagawa para maganuhan parin. mga bastos! malilibog! wala naman masama sa pagiging malibog (basahin dito) pero naman!

kelangan ba talagang mag-anank ng labing pito (17)? sa napanood ko kagabi meron magasawang 16 na ang anak, buntis pa si mother! paguwi ko bibigyan ko sila ng telebisyon, para naman may iba silang pagkaabalahan, naiinis ako dahil naaawa ako sa mga supling nila. do-re-mi-fa-so-la-ti-do….. ang pagkakasunod-sunod. mantakin mong 18 sila ngayon (kasama ang mag asawa, d kasama ang nasa sinapupunan pa lamang) at ngkakasya sila sa 2 maliliit na lata ng tuna at 9 na pirasong tuyo. so, kung hahatiin ng pantay pantay…tigiisang kutsarita sila ng tuna at tag kakalahating tuyo. anak ng kamote! isang lata ng tuna nauubos ko eh! (oo na matakaw na) pero sila ngkakasya sa 9 na tao bawat lata! o diba? d ba sobrang kalibugan kabobohan na iyon? tsk!

may isa pang istorya ang ipinakita sa episode na ito. isa silang grupo ng mgkakaibigang babae. imbes na magpalitan ng kuro kuro tungkol sa project, math, science o kaya barbie, cellphone, at make-up, tungkol sa nalalapit nilang panganganak ang topic. at ang pinakabata sa kanila? 13 years old, 9 na buwang buntis. kung ikakalkulator natin dose palang lumandi na si gaga. nakakayamot na nakakaawa… ang naisip ko, papano siya manganganak? paano nya bubuhayin ang bata? paano nya aalagaan, kung siya mismo ay nangangailangan pa ng pagaalaga at pagaaruga? papaano? maiintindihan ko pa kung ang nakabuntis sa kanya ay apo ng mga lopez o ng zobel, at makakakuha sila ng 15 na yaya na maaring mag-alaga sa kanyang anak at sa kanya narin. pero hindi. isang 18 taong gulang na nangangalakal ng basura ang nakabuntis sa kanya. eskandalo! hindi ko minamaliit ang trabaho nya, dahil alam kong marangal iyon. pero naman! kwento ng pinsan ko 1300 petot daw ang isang lata ng gatas (malaki) ng anak nya sa pilipinas, isang lata = isang linggo, isang buwan = 4 na linggo, so sa isang bwan (teka compute lng..) 5200 petot ang kailangan nya sa isang buwan, gatas palang yun! paano pa ang pampers..o cge lampin nlng, pagkain nila sa araw araw? at kung sa bigas palang mawiwindang kana? paano na sila? diba isang kalibugan kabobohan ang tawag doon?

ngayon, pinagpaplanuhan daw ng gobyerno na gumawa ng batas na lilimitahan ang mag-asawa ng maximum na bilang na pwede nilang pagsikapan buohin habang malamig ang gabi. china style! nglulunsad din sila ng mga seminar ukol sa family planning sa mga batang asa grade 6, high school, matatandang malilibog maiinit ang katawan, atbp. na mariin namang tinututulan ng simbahan.

sabi nila father….

1. hindi raw dapat gumamit ng kontra pagbubuntis ang mga tao tulad ng pills, condoms, ligation, vasectomy, etc. dahil kung mabubuntis ka mabubuntis. ang bata ay regalo ng ating ama sa langit.

2. hindi raw dapat tinuturuan ang kabataan ng family planning lalo na at grade 6 at high school palang sila.

3. hindi rin daw dapat turuan ang magsyota pa lamang ng family planning dahil mgsyota palang sila at hindi pa magasawa.

4. hindi daw dapat isa-batas ang paglilimita ng maaaring magiging anak ng mga magasawa.

marami pa ang sinabi ni father. nalimutan ko na ang iba.

eto naman ang aking opinyon….

father, sinasabi sa bibliya ang simbahan ay hiwalay sa gobyerno at di dapat nagpapakielamanan ang isat-isa. at sa ginagawa ninyong pangkontra sa gobyero (na sinusuportahan nyo rin naman nuong eleksyon) ay nagkakasala po yata kayo.

1. bakit po bawal gumamit ng pangontra? hindi po natin maikakaila na ang tao ay tao lang, nalilibugan din, at sure ako minsan nararamdaman nyo rin po ito. ganun din ang magasawa. paano po kung gusto nila kamutin ang pangangati pero alam nila sa sarili nila na ang kanilang kita ay hindi pa sapat para dagdagan ang lahi nila? hindi po ba pagiging responsable ang pag gamit ng pang-kontra kaysa sa bumuo sila ng bumuo ng dadagdag sa mga tambay, snatchers, adik, at sakit ng ulo ng bansa? swerte nalang kung magiging produktibong nilalang ang mabubuo.

2. para sa akin, dapat ng turuan ang mga bata sa grade 6 at high school. bakit? sa panahon ngayon dumarami na ang mga bata sa age range nila ang buntit, katulad nalang ng naikwento ko kanina. kaya habang maaga, ipaalam sa kanila ang maaring maging epekto ng maagang pag karengkeng. para naman maiwasan, kung d makatiis at makati talaga, kamutin man lang ito with safey gears.

3. para sa akin, dapat rin iseminar ang mga mgsyosyota, dahil tulad ng kabataan, pasaway rin ang mgjojowa ngayon. sex dito, sex duon, sex sa lamesa, kusina, banyo, sex sa koche, sa park, at sakung san san pa. tapos pag nagkasawaan sa playbor, iba naman. minsan, hindi mapigilan ng mgsyota pa lamang na maiparamdam ang init ng pagmamahal nila sa isa’t isa. akala nila palagi…diziz d one! kya sige lang ng sige. tapos sa d inaasang panahon, nag kasawaan. paano pag dumating sila sa puntong ito na nagkamali pala sila ng akala na maliban pala sa kompatibol ang etit ng lalaki sa puday ng babae eh wala na pala silang iba pang chemistry tapos may baby? asan na ang hapily eber apter? mukang wala ng ganon. at mapipilitan pa silang mambabae at manlalake in the future! edi dagdag pa sila ng isang guhit sa survey ng broken family? tsk!

4. bakit po ayaw nyo rin ilimit ang pwedeng maging anak ng mag-asawa? sakin po ok lng ito. dahil kung hindi, baka isang araw magising nalang tayong lahat ng natutulog ng nakatayo…kse wala ng space sa philippines. tulad po sa china, 1 per couple, kaya nalilimitahan ang paglobo ng populasyon nila. pede rin natin gawin ito kahit pansamantala lang, para lang ma-control ang pagdami ng mga future pinoy human race natin. may nabalitaan pa nga ako na may lihim na naglunsad ang isang gobyerno ng isang crowded na bansa ng plano para bawasan ang populasyon, sabi daw lihim daw na nilalason ng mga kasabwat na restawrant ang mga tao unti unti (para siguro di halata), para naman daw mabawas-bawasan ang populasyon. sana di tayo umabot sa ganito. so limitahan nalang ang paggawa kesa pagsira ang pagisipan natin sa hinaharap.

opinyon ko lang ito, ngyon kung iba opinion ninyo, aba’y bahala kayo sa buhay niyo. to fatherand the followers. di ko binabastos si father. tulad ko opinyon nya yan, kinontra lng ng opinyon ko. kaya wag kayo magagalit. alam kong 7 lang ata kayong nagbabasa ng blog ko, 2 lang siguro ang tatapos magbasa ng mahabang entry na ito, pero di ko parin maiiwasan na may maoffend sa mga pag-kontra ko. sori na pare. aylabyu!

13:19 pm

isang oras at isang munuto (61 minutes) ako ngblog (kasama ang mga ngpasaway na istorbo) sabi sa survey 3 per minute ang bilang ng sanggol sa ipinapanganak bawat minuto, so sa pagsulat ko palang nitong entry na ito merong 183 babies na sinilang sa ating bansa. congrats mga mommy….gud luck mga baby!


paki-klik

•August 7, 2008 • 3 Comments

wala..may susubukan lng akong 7-day trial pag kumita ako itutuloy ko..pag inde, ayawan na! paki click here

ok??? click lang ang hinihingi ko…pero kung gusto nyo rin itry why not peanut? yun lang bow!

mood: masakit ang sentido ko, leche. (mood ba un? nyayayaa)

paypal..so epal!

•August 7, 2008 • 6 Comments

pakinsyet na paypal yan. ayaw ako iverify ng mga hayop! ilang taon ba bago ko matanggap ang verification code syet na yan? atagal tagal ko na inaantay eh! sumasakit ang bumbunan ko..lekat!

mood: nanggagalaiti ang tinggil!

chicken wings

•August 4, 2008 • 4 Comments

kagabi pagkatapos kong ipagmanehi ang nanay ko para bumili ng groceries, wala lang. wala akong magawa, pinipilit ko mang matulog agad dahil antok na antok ako, ayaw naman matulog ng utak ko…ngiisip ng mg wala ring kwentang bagay! hanggang sa parang may samyo sa hangin ang naamoy ko, amoy manok. ang nkakpagtaka lang wala namang manok at wala rin naman ngluluto. ay! may kfc pala sa baba ng flat namin. pero d ko feel ang ma-sebo at nakakachicken skin** na chicken. kaya naisipan kong mg prito! hindi talaga ako ngluluto kahit mamamatay na ako sa gutom, dahil hindi ako marunong at lalong wala akong katyaga-tyaga. pero kagabi tinopak ako! agad agad akong ng-defroze ng chicken wings (favorite part ko, khit madaming buto na nga-ngat ngatin) nagbate ng itlog at ng latag na harina. viola! fried chicken ala irene! bwahahaha! bagustuhan naman nila ang manok at nglaho ito ng parang bula matapos ang limang minuto! yes! 5 minutes lng ang itinagal nila sa earth. na sarapan naman ang nanay ko at sinabing, aba! dalas-dalasan mo angpagluluto dahil masarap ka palang magluto. sumagot ako, ngek! binabad ko lang yan sa mantika, nothing special. sabi ng utak ko “binobola ka lng nyan, para naman palagi kang magluto at makatulong sa bahay” bwahahah!

pinikturan ko ang manok…nilagyan ko ng carrot sticks at pepino dahil sa walang dahilan. for picture purposes lang! hahahah!


chicken wings!

chicken wings! first batch! ang second and third batch d na napicturan dumarecho na sa mga tyan nila...ahahahah!


**ang manok ng kfc dito sa bahrain ay nakakahawa. pag dinalasan mo ang kain ng manok galing dito literal na tutubuan ka ng butlig-butlig na parang sa manok. fact ito, marami akong kakilala na ngkaganito. sure!

bkit mas madaling magpautang kaysa maningil?

•July 31, 2008 • Leave a Comment

kahapon may isang dilag na nagiikot-ikot dito sa loob ng building namin. pangalawang araw ko na siyang nakikita at gusto ko na siyang tatakan ng salitang “loitering” sa noo. wala lang naiinis lang ako sa kulay ng damit nya, peyborit ko pa naman, purple. kaya lang printed na ang blouse, printed pa ang skirt. tsk! buti kung iisang design lng, kaya lang ung isa galing mars ung isa pluto. d talaga maitugma ang pagkakaparehas nila, kahit siguro taong may malikhaing isipan d magagawang makakita ng “connection”.

anyhow, nilapitan nya ako ng mapapadaan ako sa account department. at inalok kung gusto kong umutang. sabi ko ayoko. ang kulet! hinila-hila pa ako at pinaupo. daldal ng daldal at tinuturuan pako kung anong dapat kong gawin sa pera uutangin ko, yun ay kung uutang nga ako. napaikot at tumubo na ang pera ko sa kwento nya, d pa naman ako napapa-oo na uutang nga ako! pakinsyet! buti sana kung mabango! leche! naamoy ko pa ang inulam nya kagabi! sinabi ko nalang, sori talaga ate (oo pinay sya) hindi ako uutang, wala pa naman akong anak na papadedehin at bibilan ng pampers. sapat ang sweldo ko para sa akin. kaya pinabayaan nya na akong bumalik sa opis ko na may pahabol na “ikaw rin, sayang ang panahon….” (di ko na alam ang kasunod kase kumanta nalang ako ng gimme gimme more ni britney spears sa utak ko).

sa buhay ko, minsan lang ako ngkautang dahil wala akong barya at wala in siyang panukli. d ako mapakali kaya humanap ako ng paraan na mabayaran siya sa halagang 40pesos (isang libong buo ang pera ko). di naman nya ako pagiisipan na tatakbo dahil kaibigan ko siya, pero i just hate the feeling na may dapat akong bayaran na naka binbin. d ako napapakali at nangangati akong gawan ng paraan. which i find good. ayoko kase na may iniisip na babayaran d ko pa man hawak ang pera ko.

simple lang kse yan. “DO NOT SPEND MORE THAN WHAT YOU EARN” isa yan sa minana ko sa tatay ko.

pag wala kang pera, manahimik. pag meron, magtipid. para pag wla ulit, may madudukot.

ang nakakakunsumi lang, ipon ka ng ipon para may madukot. pero ung mga nakapaligid sayo panay ang utang. pakinangsyet! ok lng sana kung mgbabayad, dahil sa huli ikaw pa ang mahihiyang maningil. huwaaat?! yess ganon nga. at pag ikaw ang may kailangan at sinabi mo sa kanila, sila pa ang galit. naryan ang sasabihin nila sayo na “ano ba yan, d naman kita tatakbuhan”, “wala pa sweldo, tatawagan nalang kita pag meron na”, “naku, wla pa akong pera…sa katunayan nga may hihingin ako saung pabor..” ayoko na ituloy ang huli dahil nkakapanginig ng laman, nakakainit ng ulo, at nakakairita ng tinggil!

d ko man gusto mairita dahil may mga tao talagang nangangailangan at dahil tayo ang nkakaluwag tayo ay tumulong. pero naman! sa mga bwakanang syet na utang ng utang mgbayad naman kayo matuto kayo mahiya at magkusa. hindi ako tumatae ng salapi! amph!

dark knight

•July 27, 2008 • 2 Comments


nanood nanaman ako ng sine nung isang gabi, ang the dark knight. ang haba! kahit anong pagpipigil ko kinakailangan ko talagang lumabas para iihi ang large coke na ininom ko. aysows! tulad ng spiderman3 pinagsabay-sabay na ng dark knight ang mga kalaban nya para nga naman isang sakitan nlng ng katawan. malamang-lamang wala ng sequel. di talaga ako fan ng batman tulad ng ibang make-believe heros. siguro kase wala syang power na tunay, dinadaan lng sa gadgets at pagpapacute. un lng at tinatamad ako mg explain kase mainit sa labas at mahal ko na si joker.

akin kana! akin lang!

•July 27, 2008 • Leave a Comment

ang tagal kitang pinagpantasyahan at hinangaan ilang timba narin ang napuno ko ng laway, may mga araw pa na nauubos ang oras ko sa kakatitig sayo, ang kinis kinis mo kase napakaganda ng iyong kulay at napatikas ng iyong dating. natatameme ako at napapanganga sa tuwing nasisilayan ka. sa wakas, akin kana, kala mo ha! mahal na nahal na kita agad at patay-na-patay ako sau! aantayin ko ang pag dating mo galing america.

noon pa man wala pa akong ginustong hindi ko nakuha, pero ikaw special ka kse ako ang nagbayad. lahat ng iba, bigay (swerte noh?), kaya higit akong excited, kse ilang araw ko pinaghirapan ang binayad ko, maangkin ka lang! syet.. onting tiis nalang maaakap na kita!


7 deadly sins

•July 26, 2008 • 3 Comments

ang pitong nakamamatay na kasalanan…katakawan (gluttony), kagarapalan (greed), lungkot-lungkutan (sloth), pagiging high blood (wrath), inggitero (envy), kayabangan (pride) at libog (lust). pinipilit kong intindihin kung bakit ikamamatay ng tao ang mga kasalanan ito. naisip-isip ako ng mga sitwasyon na maaring isa sa pitong ito ang ikapahamak-slash-ikamatay ng mga tao.

gluttony – oo nga naman; pag pinairal mo ang katakawan mo lalo na pag gabi, maari mo nga ikamatay ito dahil mababangongot ka. pero parang ok lng, at least d k namatay ng dilat dahil sa gutom.

kagarapalan – sure ito; dahil sa pagiging gahaman o garapal, marami ang namamatay. halimbawa. dahil sa gahaman mo sa perang ipinanalo mo sa sugal, sinaksak ka ng ka-tongits mo sa tagiliran, shet ka kase! panalo k na nga ng singkwenta ayaw mo manlang manlibre ng pisbol!

sloth (depression, despair) – self destruction naman ang drama ng kasalanang ito. isipin mo, nglulungkot-lungkutan ka, ngpakaEMO, ngpakamatay. ayos lang yan, para mabawasan ang madrama sa mundo, tama nako sa teleserye.

wrath (anger) – posible rin makamatay ito. isipin mo, nkikipagaway ka at sukdulan na ang galit mo, namumula na ang tenga mo, pinagpapawisan kna ng butil-butil, sige ka parin ng sige sa kakatalak. nakalimutan mo, tinira mo pala ang inihaw na baboy kaninang tanghali. ayan tuloy, dead ka.

envy – paano ba nkakamatay ang pagiging ingitero? d ko rin alam, pero ayon nga sa sabi sabi “mamatay ka sa inggit!”. baka un na nga un.

pride – dahil sa sobrang yabang ng dating mo, pinagtripan ka ng mga tambay na ngiinuman sa kanto nyo. binaon nila ang balisong sa leeg mo. deadly nga naman ito. ang angas mo kase!

at last but not the least.

lust – hind ko talaga sure kung pano ka mamamatay ng dahil sa kalibugan. tinignan ko sa internet ang meaning. ito pala ay synanymous sa craving, desire, passion, longing, at pleasure. so pwede palang sabhin nalilibugan ako sa ice cream (im craving for ice cream), nailibugan ako magbasa ng mga libro, (it’s my passion to read books), o kaya nalilibugan ako sau ( i am longing for you). diba? saan banda ang nakamamatay doon? wala naman ako napapansin. ikaw meron ba?