bitterness + emo = ikaw!

•July 24, 2008 • 3 Comments

kahapon, binati mo ako, binati rin kita. anong masama? may pinagsamahan naman tayo. di ko kasi inugali magbiter-biteran. ako ang taong mabilis magalit, mainis, at mapikon pero mas mabilis magpatawad, kumalimot, at kumalma. pero ikaw kakaiba ka.

nagumpisa sa kamustahan, sa kwentuhan, pero ang pinagtataka ko..umabot tayo sa pagkalkal ng baul ng nakaraan. biglang uminit ang ulo mo, para kang asong ulul na nauulol pa, para kang bear na hindi sweet na katulad ng mga nabibili sa tindahan, para kang hulk na kulay violet, para kang PRANING!

nagmura, nanisi, at umatungol ka na parang wolf. ikaw kse, kundi lang, ayan tuloy, iilan lang yan sa mga paumpisa ng mga sentence mo. feel na feel ko ang hinanaing mo hanggang dito sa bahrain, para kang earthquake intensity 33.8 onti nalang magigiba mo na ang earth, habang ako sa kabilang dulo ng monitor natatawa.

kahit ba isisi mo sakin ang vizconde massacre, at sex video ni paris hilton, ni mini-me, at ni booba isama mo pa ang pagtatraydor ng makapili. hindi ako maiinis, napapangiti pa nga ako at natatawa. ang lakas naman ng epek ko sau! wow! mahigit 5 taon na ang nakakaraan, pero hanggang ngayon biter-biteran ka dyan. natukso tuloy kitang emo, na mas lalong ikinagalit mo. naiimagine ko tuloy na isa kang bull na umuusok ang ilong, gigil na gigil at d mo mahuli ang red na tela! hay naku! pinalinawagan kita ng matiwasay, sumagot ka ng pabalang, inasar-asar kita lalo. ayan tuloy mas lalo ka pang nayamot.

nakagawa kapa ng 2 stanza na poem in five minutes, inalay mo sa akin, pero binura ko na after kong basahin, kase sa tula parang depress lang ang dating, d naman ako depress ngayon, bored lang. talented ka nga pala naalala ko musician, writer, artist, at higit sa lahat horticulturist!

pasensya ka n, bata pa ako non. malay ko bang seryus mode ka. anak ng patola. d pa nga ako umaapak ng dise-otso. dapat inunawa moko, inintindi, o napatawad kung meron man talaga akong nagawang hindi mabuti sau, na hanggang matapos ang usapan natin iniisip ko kung ano, kse alam ko wala, sabi mo meron, pero ayaw mo sabihin. ang gulo mo! magulo siguro talaga ang may malikhaing isip, pero bakit naman ako (wow buhat bangko)? siguro ikaw lang talaga yan. tulad nga ng binitawan kong english sau nung sinabi mong “bakit nga ba ako magpapaapekto, you are a nobody!” sumagot ako ng ” good! i never wanted to be somebody, i just wanted to be me, if you cannot handle me then fuck off” tama naman ako.

nakakapikon kase, demokratik ako makipagusap ikaw parang ngrarally. kung sinabi mo sana kung ano nagawa ko sayo at mentally ill ka ngayon nakapag sorry sana ako at naipagamot ka. kaya lang hindi eh, pasikret-sikret kapa tapos isinisisi mo sakin ang pagiging tarantado mo. eh sa naaalala ko, tarantado kana nung makilala moko, nagkataon lang na mas tarantado pala ako.
haaay. nag log off ka ng galit. palaging ganyan, pero pag OL mo naman ulit babatiin mo ako, kakamustahin, saka aawayin. ok lang yan, pagbibigyan kita sa gusto mo. sa trip na trip mong magdusa emosyonal at intelektwal, may magagawa ba ako? sasakyan lang kita at ngingiti.

nakakahiya

•July 24, 2008 • 2 Comments

nagbukas ako ng isang blog sa wordpress para pagbigyan ang isang kaibigan, by request ika nga. nkakahiya namang tumanggi pag isang ‘blog god’ ang mg sasabi saung magblog ka. kaya walang ka-abog abog akong ngpipipindot sa kompyuter at ng pa-rehistro sa wordpress. pero wala akong maisulat! syet! ampaw ang utak ko ngayon, ay kahit kelan pala, paano ko naman mapupuno ito ng entries kung ganyan.

kamote naman kase ang nanay at tatay ko, am lng ata ang pinadede sa aking nung sanggol pa ako, pag medyo sinuswerte, condense milk na kinanaw sa tubig. d bale! sabi nga ni idol, makakapag isip din ako ng mai-boblog habang tumatagal. pero bakit ba ako ngaalala? eh siya lang naman ang magkakabasa, di ko naman ipagkakalat na ngkakalat ako sa internet. ahoooo!

para sayo boss, eto na ang nirequest mo. hindi ko na babanggitin ang pangalan mo kase baka singilin mo ako ng talent fee o mas masakit kung demanda mo ako ng illegal use of your presyus name.